Mahigit kalahating milyon na bagong silang na sanggol naitala ng PSA mula Enero hanggang Setyembre 2024

Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng dagdag na mahigit kalahating milyon na ipinanganak mula Enero hanggang Setyembre noong nakdaang taon.
Ayon sa datos ng PSA, mayroong dagdag na 583,277 registered births para sa nasabing mga buwan.
Mas mababa ito ng 45.7 percent kung ikukumpara sa total registered births sa parehong buwan noong 2023.
Ang CALABRZON o Region 4-A ang nakapagtala ng may pinakamataas na registered births noong 2024 na umabot sa 109,604, kung saan ang Cavite ang may pinakamadaming bilang ng bagong silang na sangkol na umabot sa mahigit 31,000.
Samantala, mula Enero hanggang Agosto ng 2024, nakapagtala naman ang PSA ng 304,135 registered deaths sa bansa.
Mas mababa ito ng 34.1 percent kumpara sa parehong petsa noong 2023. (DDC)