525 pang PLDs pinalaya ng BuCor

525 pang PLDs pinalaya ng BuCor

Nasa kabuuang 525 na persons deprived of liberty (PDLs) Ang pinalaya ng Bureau of Corrections (Buacor) sa buwan ng Enero ngayong taon kabilang ang 50 na inmates na dumalo sa culminating activity sa Groto of Our Lady of Rosary sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Reservation sa Muntinlupa City ngayong Huwebes, January 30.

Sa kasalukuyang datos umabot na sa kabuuang 18,947 PDLs ng pinalaya sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Sa mga lumaya, 27 rito ang mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, isa sa CIW Iwahig Prison and Penal Farm , walo sa CIW Mindanao, 71 sa Davao Prison and Penal Farm, 52 sa Iwahig Prison and Penal Farm, 27 sa Leyte Regional Prison, 73 buhat sa NBP Maximum Security Camp, 82 sa NBP Medium Security Camp, 81 sa NBP Minimum Security Camp, tatlo sa NBP Reception and Diagnostic Center, 66 buhat sa Sablayan Prison and Penal Farm, at 34 naman sa San Ramon Prison and Penal Farm.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang mga rason ng paglaya ay dahil natapos na ang sentensiya para sa 412 na indibiduwal, 68 ang naabswelto, tig-1 sa bail bond at expiration of sentence after commutation, apat ang nabigyan ng probation, lima sa habeas corpus, 32 ang napagkalooban ng parole, at dalawa ng itinur-over sa jail (may ibang nakabinbin na kaso).

Mahalaga naman ang presensiya sa aktibidad nina Presidential Adviser on Muslim Affairs, Secretary Tillah, Al Haj, Justice Undersecretary Deo Marco na kumatawan kina Secretary Crispin “Boying” Remulla at Asec. Francis John Tejano, USEC. Sergio Calizo, Jr., Chairperson, Board of Pardons and Parole, DOLE-NCR Director Leonides P. Castillote, Jr. at mga kinatawan mula sa Public Attorney’s Office. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *