Mahigit P9.8M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Davao City

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Davao ang milyun-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo.
Naharang ng mga otoridad ang 251 master cases na smuggled cigarettes na tinatayang aabot sa P9.861 million ang halaga.
Ang mga kontrabando ay itinago sa loob ng isang fake courier truck at nadiskubre sa checkpoint ng Task Force Toril sa major road patungo sa Davao City.
Agad namang nakipag-ugnayan ang Task Force Toril sa BOC-Port of Davao na mabilis rumesponde sa insidente.
Ayon sa BOC, ang 251 master cases ay naglalaman ng 50 ream ng sigarilyo bawat isa.
Itinago ito sa kulay blue na crate para makaiwas sa inspeksyon. (DDC)