700 residente sa Almanza Dos, Las Piñas City, natulungan ng Beauty Beyond Borders Medical Mission

700 residente sa Almanza Dos, Las Piñas City, natulungan ng Beauty Beyond Borders Medical Mission

Aabot sa 700 na residente mula sa Sitio Pugadlawin, Barangay Almanza Dos sa Las Piñas City ang nabenepisyuhan ng “Beauty Beyond Borders” medical mission na pinangasiwaan ni Dr. Aivee Aguilar ng The Aivee Clinic sa pakikipagtulungan ng Las Piñas City Government.

Ang programang ito ay nagbigay ng libreng dermatological consultations, minor surgeries, at skin treatments upang tugunan ang mga alalahaning medikal ng mga residente.

Dumalo sa kaganapan sina Mayor Imelda Aguilar, Vice Mayor April Aguilar, Alelee Aguilar,at City Councilors Mark Anthony Santos at Henry Medina upang ipaamalas ang kanilang suporta at umalalay sa aktibidad.

Ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng The Aivee Clinic ay para siguruhin ang matagumpay na inisyatibang ito, kabilang ang Bible study sessions, libreng pamamahagi ng Bibliya at counseling services sa pamamagitan ng Kids for Jesus Foundation.

Nagsilbing bisita sa medical mission ang artista na si Sarah Lahbati na masayang nakisalamuha sa mga residente at nagpamalas ng kanyang suporta sa proyekto.

Binibigyang importansiya naman ang partisipasyon ng mga volunteers at private sponsors na tumulong sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa komunidad.

Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa pinagsamang mga hakbang ng lokal na pamahalaan, private sector, at community groups sa pagbibigay ng mg serbisyong pangkalusugan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga residente sa natanggap nilang tulong medikal at iba pang serbisyo sa panahon ng medical mission. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *