14,000 waterbirds namataan sa iba’t ibang wetlands sa Soccsksargen
Nakapagtala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 12 ng mahigit 14,000 waterbirds sa iba’t ibang wetlands sa Soccsksargen Region sa idinaos na Asian Waterbird Census (AWC) ngayong buwan.
Ayon kay Atty. Felix S. Alicer, regional executive director (RED) ng DENR-12, sa regular na census ay inaalam ang distribusyon at populasyon ng mga waterbird at minomonitor ang kondisyon ng wetlands.
Krusyal din aniya ang taunang census para maitaas ang public awareness sa kahalagahan ng bird species at para maiwasan ang bird hunting.
Ang mga waterbird ay amataan sa M’lang at Kabacan isan Cotabato; Glan, Alabel, at Kiamba sa Sarangani; Lutayan sa Sultan Kudarat; Sto. Niño at Lake Sebu sa South Cotabato, at sa General Santos City.
Kabilang sa namataang waterbirds ay ang Philippine Duck, Wandering Whistling Duck, Pacific Golden Plover, Brahminy Kite, Philippine Bulbul, Barred Rail, Purple Heron, Striated Grassbird, Collared Kingfisher, Munia, Little Egret, Black-winged Stilt, Javan Pond Heron, at Sand Plover. (DDC)