P3B na halaga ng cold storage facilities itatayo ng DA

P3B na halaga ng cold storage facilities itatayo ng DA

Plano ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng 99 na cold storage facilities na sisimulan ngayong taon upang makatulong na humaba ang shelf life ng mga prutas, gulay at high-value crops.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ang mga pasilidad ay gagamitan ng refrigerated warehouses.

Ang mga itatayong hybrid infrastructures ay maaaring paganahin gamit ang renewable energy sources gaya ng solar and wind energy.

Sinabi ni Tiu Laurel na kabuuang P3 billion ang inilaan ng DA para sa proyekto.

Malaking tulong ang cold storage facilities para hindi agad masira ang produkto ng mga magsasaka at para masiguro ang pagkakaroon ng food security.

“By improving the cold chain infrastructure, we will strengthen the agricultural sector, reduce farm losses, extend the shelf life of agricultural products, stabilize supply and prices, and ensure food security,” ayon sa kalihim.

Kasama sa itatayo ang 65 small o modular chiller-type cold storage facilities sa iba’t ibang parte ng bansa at isang large cold storage facility na itatayo sa Camarines Sur.

Magtatayo din ng dalawang large facilities sa San Jose, Occidental Mindoro at Cabanatuan, Nueva Ecija at 31 modular units sa iba pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *