Dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ginawaran ng executive clemency ni Pang. Marcos

Kinumpirma ng Malakanyang na pinagkalooban ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Sa pahayag sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na inaprubahan ng pangulo ang petisyon ni Mabilog para siya ay magawaran ng executive clemency sa kanilang mga kasong administratibo.
Ikinunsidera ayon kay Bersamin ang ipikitang commitment ni Mabilog sa good governance, kabilang ang mga natanggap niyang awards at pagkilala noong siya pa ang mayor ng Iloilo City.
Sa pagkakaloob ng executive clemency kay Mabilog, mabubura na rin ang mga parusa o disabilities na ipinataw sa kaniya kaugnay ng kaniyang mga kaso.
Noong 2023, isinulong ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong graft laban kay Mabilog dahil sa panghihimasok sa paggawad ng government contract sa isang towoing services.
Noong Setyembre ng nakaraang taon, nagpiyansa si Mabilog para sa kasong graft nito.
Kasama din si Mabilog sa drug watch list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (DDC)