Halos 3,000 napatawan ng parusa noong nakaraang taon dahil sa iba’t ibang mga paglabag

Halos 3,000 napatawan ng parusa noong nakaraang taon dahil sa iba’t ibang mga paglabag

Halos 3,000 pulis ang napatawan ng parusa noong nakaraang taong 2024.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rommel Francisco D. Marbil, ito ay pagpapakita ng pagiging epektibo ng internal disciplinary mechanism sa pambansang pulisya.

Sa datos ng PNP, umabot sa 5,457 na PNP personnel ang nakasuhan ng adminsitratibo at 3,751 ang naisampang kaso.

Ayon kay Marbil, sa nasabing bilang ng mga nakasuhan, 2,765 ang naparusahan habang 2,691 ang naabswelto.

Sa mga napatawan ng parusa, 1,112 ang pinatawan ng suspensyon kabilang ang 1 colonel, 19 na lieutenant colonels, 29 majors, 30 captains, at 22 lieutenants.

Mayroon ding 903 pang opisyal ng PNP ang nasibak sa serbisyo dahil sa iba’t ibang mga paglabag.

Kabilang dito ang 5 lieutenant colonels, 6 na majors, 12 captains, at 5 lieutenants.

Ang ibang parusang ipinataw ay kinabibilangan ng demotion, forfeiture of salary, reprimand, restriction at withholding of privileges. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *