Mga Pinoy sa Singapore pinaalalahanang sundin ang kondisyon ng kanilang Work Permit

Mga Pinoy sa Singapore pinaalalahanang sundin ang kondisyon ng kanilang Work Permit

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Singapore na tiyakin ang pagsunod sa itinakdang kondisyon ng kanilang Work Pass o Permit.

Kasunod ito ng mga ulat na natanggap ng Philippine Embassy sa Singapore na ilang Pinoy ang nagtitinda ng iba’t ibang uri ng pagkain sa Orchard Road at ilang kalapit na lugar.

Ayon sa embhada, nakasaad sa Work Pass ng mga Pinoy sa Singapore na bawal silang sumali o pumasok sa anumang negosyo.

Bawal din ang pagtatayo ng sariling negosyo at pagbebenta ng produkto o serbisyo.

Kung mapatutunayang nagkalasa ay maaaring makansela ang Work Permit, pagmultahin o makulong, masampahan ng kasong kriminal at maipa-deport.

Sinabi ng embahada na mahalaga ang pagsunod sa batas at regulasyon ng Singapore para mapanatili ang magdang kalagayan at reputasyon ng mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *