Repatriation sa 17 Pinoy na nakalaya mula sa Houthi rebels, ipinoproseso na ayon sa DFA

Repatriation sa 17 Pinoy na nakalaya mula sa Houthi rebels, ipinoproseso na ayon sa DFA

Ipinoproseso na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbabalik sa bansa ng 17 Pinoy seafarers na binihag ng Houthi rebels sa Red Sea.

Kasunod ito ng magandang balita ng pamahalaan na matapos ang mahigit isang taon ay pinalaya na ng mga rebelde ang binihag na Pinoy.

Ayon sa DFA, mamadaliin ang repatriation sa mga Pinoy para agad nilang makapiling ang kanilang pamilya.

Pinasalamatan ng DFA ang Sultanate of Oman sa suporta at mediation efforts nito na nagresulta sa pagpapalaya sa mga bihag.

Ayon sa DFA patunay lamang ito na sa kabila ng matinding mga hamon ay walang hindi nalulutas sa pamamagitan ng diplomasya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *