Petisyon para itaas sa P15 ang pamasahe sa pampasaherong jeep masusing aaralin ng LTFRB

Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon para itaas sa P15 ang minimum fare sa mga pampasaherong jeep.
Sa pahayag ng LTFRB, batid nito ang kinakaharap na hamon na mga tsuper at operator dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at tumataas na presyo ng bilihin.
Sinabi ng ahensya na masusi nitong pinag-aaralan ang petisyon at ikukunsidera ang iba’t ibang isyu gaya ng presyo ng langis, inflation rates, at overall impact nito sa riding public.
Tiniyak din ng LTFRB na magsasagawa ito ng public hearings at consultations dahil bahagi ito ng decision making-process.
Sa kasalukuyan ay P13 ang minimum na pamasahe sa jeep. (DDC)