Gr. 12 student sa Pampanga na unang napaulat na nawawala, natagpuang walang buhay malapit sa creek

Gr. 12 student sa Pampanga na unang napaulat na nawawala, natagpuang walang buhay malapit sa creek

Natagpuang walang buhay ang isang babaeng Grade 12 student na unang napaulat na nawawala sa San Fernando, Pampanga.

Sa post sa Facebook ng ama ng bata na si Mr. RD Raymundo, nagpasalamat ito sa mga tumulong para mahanap ang kaniyang anak.

Ang teenager na si Vonn Erika Raymundo ay unang napaulat na nawawala noong Jan. 13.

Si Vonn Erika ay Grade 12 student sa Pamanga High School.

Humingi naman ng privacy ang pamilya Raymundo.

Base sa police report ng mga otoridad sa Pampanga, nakita ang katawan ni Vonn Erika umaga ng Huwebes, Jan. 16.

Natagpuan ang bangkay malapit sa creek ng Ciudad de Hizon, Brgy. San Agustin sa San Fernando. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *