P24.2M na halaga ng shabu nakumpiska sa NAIA T3
Aabot sa mahigit P24.2 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa NAIA Terminal 3.
Ayon sa BOC, ang ilegal na droga na nakumpiska ng mga otoridad ay tinatayang may bigat na 4,574 grams.
Tinatayang may kabuuang halaga na P24,242,200 ang mga nakumpiskang kontrabando.
Nadiskubre matapos na isailalim sa x-ray scanning, K-9 check, at physical examination ang bagahe ng isang pasahero na galing na Ethiopia.
Ang naarestong suspek ay nasa kostodiya ng PDEA at sasailalim sa inquest proceedings para sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. (DDC)