500,000 OFWs naserbisyuhan na ng ๐๐ ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ ๐ sa NAIA T1
Umabot na sa 500,000 na overseas Filipino workers (OFWs) ang naserbisyuhan na ng OFW Lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City sa unang taon nitong anibersaryo ayon sa
Department of Migrant Workers (DMW).
Kinilala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kaugnay na ahensiya ng DMW, ang ika-500,000 na OFW na sinerbisyuhan ng OFW Lounge nitong Enero 15.
Ang OFW na si Jose Diva Jr. na nagtatrabahong Manager sa Malaysia sa loob ng 23 na taon ay tumanggap ng certificate of appreciation at token bilang 500,000th OFW na naserbisyuhan sa naturang lounge sa airport.
โNakakatuwa lang na mayroon ng dedicated space para sa aming mga OFWs dito sa airport. Malaking bagay ito para sa amin kasi we feel valued,โ sabi ni Diva, na umuuwi ng bansa kada dalawangvtaon upang bisitahin ang pamilya nito sa Roxas City.
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac na ang OFW Lounge ay kabilang sa marming hakbang ng gobyerno upang pasalamatan ang malaking kontribusyon at sakripisyo ng OFWs sa transpormasyong panlipunan at ekonomiya sa bansa.
โThis initiative was launched in recognition of the sacrifices of our dear OFWs and their families. As a directive of our President Ferdinand Marcos Jr., we want them to feel comfortable before they embark on their journey abroad. We are deeply grateful and salute you for all that you do for your families, and to our nation,โ pahayag ni Secretary Cacdac.
Katulad ng mga airlines na nag-aalok ng pangunahing mga serbisyo sa kanilang VIPs, ang OFW Lounge ay may alok na dekalidad na mga serbisyo sa mga OFWs kasama ang kumportableng espasyo upang magrelax habang naghihingay ng kanilang flight, libreng food, Wi-Fi access, at charging ports para sa kanilang gadgets.
Ibinahagi rin ni Cacdac ang nagpapatuloy na mga hakbang ng DMW na nagbibigay suporta hindi lamang sa larangan ng kabutihang pampisikal kundi tugunan din ang alalahanin sa kalusugang pangkaisipan ng OFWs.
โWe are expanding services, including mental health support, through OWWA and the OFW Hospital,โ dagdag pa ng kalihim.
Samantala, nagbahagi rin si OWWA Administrator Arnel Ignacio ng kanyang pananaw para sa OFW Lounge na nag-ugat sa kaswal na pag-uusap niya kay Secretary Cacdac.
Binigyang-diin pa ni Ignacio na ang itinayo ang Lounge bilang pagkilala sa OFWs na nararapat lamang na handugan ng napakagandang pagtrato katulad sa business-class services ng airlines.
โFrom a small conversation, we came up with an initiative to provide better facilities for our OFWs, and today, we are proud of what it has become,โ ani Ignacio.
Ang selebrasyon ay nagsilbing sandali na sumasalamin sa patuloy na mga hakbang ng DMW, OWWA, at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang magbigay ng magagandang serbisyo at pagkilala sa mga OFWs. (Bhelle Gamboa)