6,800 na katao magsisilbing Bantay Dagat volunteers sa ilalim ng Bantay Dagat Insurance Program ng BFAR

6,800 na katao magsisilbing Bantay Dagat volunteers sa ilalim ng Bantay Dagat Insurance Program ng BFAR

Aabot sa 6,800 ang tinanggap para sa magsilbing Bantay Dagat volunteers ngayong taon.

Ito ay sa ilalim ng Financial Insurance Program ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Ayon sa BFAR, ang 6,800 volunteers na nag-enroll sa programa ngayong taon ay 47 percent na mas mataas kumpara sa 3,545 noong nakaraang taon.

Ayon kay BFAR Officer-in-Charge National Director Isidro M. Velayo, Jr., layunin ng Bantay Dagat Insurance Program ng BFAR na matulungan ang fisheries sector at pangalagaan ang kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy.

Sa ilalim ng programa, ang mga Bantay Dagat volunteers ay tatanggap ng financial assistance. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *