DICT, local telcos pinakikilos ng Senado kontra mobile phone hacking
Ikinabahala ni Senator Raffy Tulfo ang pagtaas ng mga insidente ng mobile phone hacking.
Ayon kay Tulfo, kadalasang nangyayari ang mobile phone hacking dahil sa paggamit ng public Wi-Fi networks.
Sa pagdinig na isinagawa ng Committee on Public Services ng Senado araw ng Miyerkules, Jan. 15, tinanong ng senador ang mga kinatawan mula sa Department of Information and Communication Technology (DICT) at mga local telecom companies hinggil sa mga hakbang na kanilang ginagawa para maiwasan ang insidente ng hacking.
Hiniling din ni Tulfo sa DICT na tiyaking hindi mapapasok ng hackers ang idaraos na 2025 midterm elections. (DDC)