6 na milyong balota na natapos nang ma-imprenta, hindi na mapakikinabangan ng Comelec

6 na milyong balota na natapos nang ma-imprenta, hindi na mapakikinabangan ng Comelec

Hindi na mapapakinabangan ng Commission on Elections ang anim na milyong mga balota na nai-imprenta na para sa 2025 elections.

Kasunod ito ng desisyon ng Korte Suprema na nagpapatupad ng Temporary Restraining Order (TRO) sa mga naunang pasya ng Comelec na nagdedeklarang nuisance candidate ang ilang senatorial aspirant.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin garcia, dahil sa TRO na inilabas ng SC sa kaso ng limang aspirante, agad inihinto ang pag-imprenta ng mga balota.

Ang anim na milyong mga balota na nauna nang naimprenta ayon kay Garcia ay kailangang sirain para mawala ang mga agam-agam na magamit ito sa halalan.

Tinatayang nagkakahalaga ng P150 million ang mga sisiraing balota, kasama na dito ang ipinasweldo sa mga trabahador sa National Printing Office.

Kailagan ding amyendahan ng Comelec ang numbering sa mga balota dahil kasama sa pinaburan ng TRO ay ang senatorial aspirant na si Subair Mustapha.

Maliban dito, babaguhin din ang election management system, database, serialization ng mga pangalan at ang ballot faces. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *