14 na manufacturers at importers ng vape suspendido dahil sa hindi pagsunod sa packaging requirements

14 na manufacturers at importers ng vape suspendido dahil sa hindi pagsunod sa packaging requirements

Pinatawan ng suspensyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 14 na manufacturers at importers ng Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products dahil sa paglabag sa packaging and health warning requirements.

Ang nasabing requirements ay isinasaad sa RA 11900 o ang “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.”

Ayon sa DTI, nilabag ng nasabing mga kumpanya ang batas na nag-aatas ng paglalagay ng health warning sa kanilang packaging.

Ang hindi pagsunod sa itinatakda ng batas ay may karampatang parusa.

Sa ilalim ng Section 23 ng RA11900, narito ang mga karampatang parusa:

1st Offense: Php 2,000,000 fine + imprisonment of 2 years;

2nd Offense: Php 4,000,000 fine + imprisonment of 4 years;

3rd Offense: Php 5,000,000 fine + imprisonment of 6 years + revocation of business permits and licenses

Ayon sa DTI, ang 14 na manufacturers at importers ay naisyuhan na ng Preliminary Order (PO) o Preventive Measure Order (PMO) at pinagbawalan na silang gumawa, mag-import, magpakalat, magbenta at mag-promote ng kanilang mga produkto.

Kabilang dito ang lahat ng kanilang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *