Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 139 kilometers southeast ng Jose Abad Santos, 4:51 ng umaga ng Miyerkules, Enero 15.
May lalim na 63 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng naturang pagyanig. (DDC)