Geographical Information System gagamitin na sa mga nagbebenta ng sigarilyo at e-cigarettes sa Metro Manila

Geographical Information System gagamitin na sa mga nagbebenta ng sigarilyo at e-cigarettes sa Metro Manila

Aprubado na ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon na nag-aatas sa mga local government units (LGUs) sa National Capital Region magpasa ng ordinansa hinggil sa paggamit ng Geographical Information System (GIS) para sa pag-iisyu ng business permits at licenses sa mga negosyong may kaugnayan sa pagbebenta ng sigarilyo at iba pang tobacco products kabilang ang e-cigarettes.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, layunin ng kautusan na matiyak na ang point-of-sale establishments na mga nagbebenta ng tobacco at electronic smoking products ay malayo sa mga paaralan, public playgrounds, at iba pang lugar na madalas mayroong mga menor de edad.

Sa ilalim ng Republic Act 9211 or the Tobacco Regulation Act of 2003 at Republic Act 11900 or the Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, bawal ang pagbebenta ng nasabing mga produkto sa loob ng 100-meter perimeter ng mga paaralan, playgrounds, at iba pang lugar na may youth activities.

Sinabi ni Artes na ang stratehiyang ito ay suporta ng MMDA sa mga LGU sa NCR para sa kanilang Smoke Free Project.

“Ordinances to be enacted by the LGUs must include provisions prohibiting ambulant or mobile vendors of cigarettes and electronic smoking products, as these vendors are capable of circumventing laws prohibiting the sale of such products within prohibited areas,” ani Artes.

Ayon kay Artes gamit ang GIS technology, mas masisiguro ang lokasyon ng mga establisyimento bago sila isyuhan ng business permits at licenses.

Inatasan din ng MMDA ang mga LGU sa NCR na maglatag ng alituntunin sa paglalagay ng signages hinggi sa pagbabawal sa pagbebenta ng tobacco at e-cigarettes sa mga lugar na malapit sa paaralan.

Ang signages ay dapat magtaglay ng graphic health warning illustrations at legal citations. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *