NCRPO sa INC National Rally for Peace sa Metro Manila: payapa, maayos at organisado

Ang National Rally for Peace na isinagawa ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand nitong Enero 13 ay natapos na ligtas at generally peaceful ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director BGen Anthony A. Aberin.
Ayon kay BGen Aberin naging maayos ang rali na dinaluhan ng tinatayang 1,580,000 na Iglesia Ni Cristo members.
Sa gabay ng NCRPO’s “Triple A” (ABLE, ACTIVE, ALLIED) approach, ipinatupad ang komprehensibong mga hakbang sa kaligtasan kabilang ang pagtatakda ng entry and exit points, standby medical, at maayos na koordinasyon sa event organizers. Ang mga tagapagpatupad ng batas ay pinanatili ang mapanuri sa panahon ng aktibida upang tiyakin ang agarang pagtugon sa mga maaaring alalahanin.
Personal na pinangasiwaan ng NCRPO Chief ang supervision sa deployment ng mga pulis para soguruhing ligtas ang lahat ng importanteng larangan at lugar.Pinaigting naman ang security operations ng mga tauhan ng Police Regional Offices 3 at 4A, Special Action Force (SAF), at Regional Mobile Force Battalion-NCRPO.
“The peaceful, orderly and highly-organized exercise of the right to peaceably assemble is attributed to the stringent preparations jointly made by the leadership of Iglesia Ni Cristo, the NCRPO, the LGU and other agencies of government. I thank every member of the security force deployed for their dedication and commitment to maintain peace and ensure public safety,” sabi ni BGen Aberin.
Pinuri ni BGen Aberin ang disiplina at kooperasyon ng lahat ng partisipante at binigyang-diin nito ang kahalagahan ng malakas na kolaborasyon o pagtutulungn sa pagitan ng law enforcement at community organizations.
Ang ganitong partnerships aniya ay mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa panahon ng pampublikong kaganapan na tampok ang pinagsama-samang hakbang na kailangan para sa matagumpay at ligtas na pagtitipon. (Bhelle Gamboa)