BuCor may P9.2 billion budget ngayong 2025
Umaabot sa P9.2 billion na budget para sa operasyon ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong 2025 mas mataas ng 22.43% mula sa dating alokasyong P7.5 billion noong 2024.
Inihayag ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr, na ang alokasyong pondo ay para sa Personnel Services (PS) o bayad sa mga suweldo (salaries), wages, honoraria at iba pang uri ng kompensasyon ng personnel na tumaas ng 36.49 na porsiyento mula sa P1.5 billion noong nakalipas na taon kung saan mahigit P2-bilyon ngayong 2025 habang ang kanilang budget para sa operasyon kasama na rito ang rehabilitation at custodial services na tumaas din ng 18% sa dating P6 billion patungong P7.1 billion.
Inihayag pa ni Catapang na bahagi ito sa pangako ng administrasyong Marcos na pababain ang congestion rate sa operating prison and penal farms (OPPFs) at pagandahin ang operasyunal na paghahanda ng BuCor sa patuloy nitong pagtugon sa lahat ng alalahanin ng ahensiya matapos itong mapabayaan sa loob ng 50 na taon.
Idinagdag pa nito na ang bagong kapansin-pansing tampok sa kanilang budget ngayong taon ay ang pagpopondo ng requirements para sa hygiene kits ng 54,988 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nagkakahalaga ng P164.9 million at ng espesyal na probisyon para sa financial assistance ng uniformed personnel na magbibigay ng rice subsidy na 20 kilos kada buwan na may halagang P50.5 million.
Ang ibang mahalagang probisyon sa kanilang budget ayon sa Bucor chief ay kinabibilangan ng halagang P288 million para sa aktuwal na paglilipat ng PDLs mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungong iba’t ibang OPPFs, ang karagdagang probisyon ng maintenance at iba pang gastusin na nagkakahalaga ng P75 million para sa joint hosting ng Bucor at Bureau of Jail Management and Penology ng 2025 ASEAN Regional Correctional Conference (ARCC) sa darating na Pebrero.
Sa kabilang banda, ang mga planong outline ng Republic Act No. 10575 na naglalayong maging modernisado at pagsasaayos ng Bucor ay maghihintay naman dahil P1.16 billion lamang ng alokasyon para sa konstruksiyon ng mga bagong pasilidad kasama na rito ang pondo para sa dalawang Dormitories sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) at Iwahig Prison and Penal Farms, gayundin ang itinatayong Super Maximum Facility sa Sablayan Prison and Penal Farm.
Bilang parte ng 2025 budget distribution, ang mahahalagang institusyon katulad ng New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women ay tatanggao ng pinakamalaking bhagi ng pondo n nasa kabuuang P7.3 billion, Iwahig Prison and Penal Farm – P477.5 million; Sablayan Prison and Penal Farm – P473.2 million; Leyte Regional Prison – P158.1 million; San Ramon Prison and Penal Farm- P331.7 million; at Davao Prison and Penal Farm – P481.3 million. (Bhelle Gamboa)