Higit 400 katao na sangkot sa illegal online scam ops sa Parañaque, nahuli
Mahigit 400 na indibiduwal ang inaresto ng otoridad dahil sangkot umano ang mga ito sa illegal online scam operations at iba pang paglabag sa immigration, sa loob ng dalawang units ng corporate center na matatagpuan sa Aseana Avenue, Barangay Tambo, Parañaque City.
Sumasailalim na sa imbestigasyon ang mga inarestong indibiduwal kabilang ang isang dayuhang kinilala sa alyas Liang.
Ayon sa report tumulong ang Parañaque City Police sa pagbibigay ng area security assistance sa major joint operation na ikinasa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), BI-Intelligence, BI Fugitive Search Unit (FSU), BI Anti-Terrorist Group(BI-ATG) at National Bureau of Investigation (NBI).
Isinagawa ang operasyon bilang parte ng Mission Order (MO) NO. 2025-005 na naglalayong habulin ang mga foreign nationals na kasali sa mga ilegal na aktibidad sa bansa.
Dadalhin ang mg naarestong indibiduwal sa BI facility para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
“The Southern Police District (SPD) will fully support and coordinate with other law enforcement agencies in addressing illegal activities involving foreign nationals. We stand with the Bureau of Immigration in ensuring that those engaged in unlawful activities are held accountable, while maintaining the integrity of our immigration laws in the Philippines “sabi ni Southern Police District (SPD) District Director Brigadier General Manuel B. Abrugena. (Bhelle Gamboa)