4 NBI employees, 7 fixers arestado sa labas ng NBI Clearance Center

4 NBI employees, 7 fixers arestado sa labas ng NBI Clearance Center

Sa kautusan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director retired Judge Jaime B. Santiago na wakasan ang red tape sa ahensiya, inaresto ng mga operatiba ng NBI – Cybercrime Division (NBI-CCD) at NBI – Special Task Force (NBI-STF) ang apat na NBI employees sa ilalim ng Information and Communication Technology Division (NBI-ICTD) matapos magsabwatan para sa Direct Bribery under Article 210 of the Revised Penal Code (RPC); Sections 3(b) and (e) of R.A. No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act); Section 7(d) of R.A. No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees); and Section 21(c) and (h) of R.A. No. 11032 (Ease of Doing Business at Efficient Government Service Delivery Act of 2018) in relation to Section 6 of R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Bukod sa apat na empleyado ng NBI, dinakip din ng otoridad ang pitong fixers sa labas ng bisinidad ng NBI Clearance Center dahil sa paglbag sa Section 21(c), (g), and (h) of R.A. No. 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) in relation to R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Ayon kay Director Santiago, nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na mayroong NBI employee na nakikipagsabwatan sa sa mga fixers kaugnay sa pag-iisyu ng NBI Clearance Certificates.

Lumilitaw na ang impormasyon na ang nasabing NBI employee ang siyang nagpapabilis sa NBI clearance applications kapalit ng bayad na P800.00 hanggang P2,000.00.

Sa pag-aksyon sa natanggap na impormasyon, mabilis na nagsagawa ang NBI-CCD ng palihim na pagtatanong at beripikasyon na kumumpirma naman sa katotohanan ng impormasyon.

Dahil dito agad ikinasa ng NBI-CCD at NBI-STF ang entrapment operation sa NBI Clearance Center na nagresulta ng pagkaaresto ng apat na NBI employees habang nasakote naman ang pitong fixers sa labas ng naturang center ng ahensiya.

Isinailalim sa inquest proceedings sa Prosecutor General, Department of Justice (DOJ), Padre Faura, Taft Avenue, Manila ang mga inarestong indibidwal.

Binigyang-diin ni Director Santiago na walang lugar para sa mga gawaing korapsyon sa NBI sa ilalim ng kanyang liderato at binalaan nito na hindi siya titigil na tugisin ang mga indibiduwal na lumalabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act Law. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *