19 na bilang ng reklamong cyber libel isinampa ni Vic Sotto vs Darryl Yap
Nagsampa ng 19 na bilang ng reklamo na cyber libel ang aktor at TV Host na si Vic Sotto laban sa filmmaker na si Darry Yap.
Inihain ang reklamo sa Muntinlupa Regional Trial Court.
Ang bilang ng reklamo ay katumbas ng bawat mapanirang post ni Yap ayon kay Atty. Buko Dela Cruz – abogado ni Sotto.
Si Darryl Yap ang direktor ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa February 2025.
Sa trailer ng pelikula, mapapanood ang eksena kung saan tinatanong si Rhed Bustamante na siyang gumanap bilang si Paloma kung totoong ni-rape ba siya ni Vic Sotto. (DDC)