Mahigit 1,600 na lugar sa bansa kasama sa listahan ng Areas of Concern para sa 2025 elections
Mahigit 1,600 na lugar sa bansa ang nasa listahan ng Areas of Concern para sa 2025 National and Local Elections at BARMM Parliamentary Elections.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) ang listahan ay inaprubahan ng Comelec en banc base sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP).
Sa 1,642 na kasama sa listahan ng Areas of Concern, 38 lugar ang nasa RED category.
Ang mga nasa RED category ay itinuturing na critical areas.
Pinakamaraming lugar na nasa RED category ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na mayroong 32 lugar.
Mayroon namang 177 na nasa ORANGE category, 188 ang YELLOW category at 1,239 ang GREEN category. (DDC)