TRABAHO Partylist suportado ang pagpasa ng Green Lanes for Strategic Investments Act; nanawagan na iprayoridad ang mga manggagawang Pilipino

TRABAHO Partylist suportado ang pagpasa ng Green Lanes for Strategic Investments Act; nanawagan na iprayoridad ang mga manggagawang Pilipino

Suportado ng TRABAHO Partylist ang pagpasa ng House Bill 8039 o ang “Green Lanes for Strategic Investments Act,” isang hakbang na layong pasiglahin ang mga foreign investments at magbigay-daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ayon sa partido, ang nasabing panukalang batas ay magsisilbing susi sa mabilis na recovery at paglago ng ekonomiya.

Layunin ng HB 8039 na lumikha ng mga “green lanes” para sa mga investment sa mga mahahalagang sektor tulad ng imprastruktura, teknolohiya, manufacturing at renewable energy.

Sa ilalim ng panukala, ang mga kumpanya sa mga stratehikong industriya ay makikinabang mula sa mas pinadaling proseso ng mga approval, mas kaunting mga regulasyon, at isang business-friendly na environment.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, ang HB 8039 ay hindi lamang maghihikayat ng mga kinakailangang dayuhang kapital, kundi magdudulot din ng libu-libong trabaho para sa mga Pilipino.

“Ang panukalang batas na ito ay isang mahalagang hakbang upang makalikha ng isang kapaligiran para sa mga investment na hindi lamang efficient, kundi patas at inklusibo para sa mga manggagawang Pilipino,” ani Atty. Espiritu.

Binigyang-diin pa ni Atty. Espiritu na magsusulong ang TRABAHO Partylist ng mga sapat na safeguards upang maprotektahan ang lokal na empleyo at matiyak na ang mga Pilipino ang mauunang mabigyan ng mga bagong trabaho, lalo na sa mga lugar na mayroong sapat na lokal na workforce na kayang punan ang mga posisyon.

“Isusulong namin na magtakda ng malinaw na requirement ang mga dayuhang mamumuhunan na magpatupad ng isang workforce development plan na magbibigay-priyoridad sa mga manggagawang Pilipino, partikular sa mga skilled at unskilled na trabaho,” dagdag ni Atty. Espiritu.

“Magmumungkahi rin kami na ang mga kumpanyang makikinabang sa Green Lanes program ay magtakda ng minimum na porsyento ng kanilang workforce na ipagkakaloob sa mga lokal na manggagawa, lalo na sa mga lugar na may mataas na unemployment.” ayon pa sa kaniya.

Mahalaga rin, ayon kay Atty. Espiritu, na matiyak na ang mga benepisyo mula sa mga investment ay madama ng karaniwang Pilipino, partikular ang mga manggagawa na makikinabang mula sa mga bagong oportunidad sa trabaho.

Bukod pa rito, inaasahan din ng TRABAHO Partylist na ang Green Lanes for Strategic Investments Act ay magpapalakas sa transparency at accountability ng mga proseso sa gobyerno, na ayon sa kanila ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng publiko at hikayatin ang pangmatagalang pamumuhunan sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *