Monster Ship ng China nakaalis na ng Zambales; panibagong Chinese Vessel patungo sa karagatan ng Pilipinas

Monster Ship ng China nakaalis na ng Zambales; panibagong Chinese Vessel patungo sa karagatan ng Pilipinas

Nakaalis na ng Zambales ang monster ship ng China na China Coast Guard vessel 5901.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson, Commodore Jay Tarriela, umalis na ang “monster ship” sa katubigan ng Zambales.

Samantala, ayon sa Coast Guard, ang isa pang barko ng China na CCG-3103 ay umalis sa Guangdong Province noong Martes (Jan. 7) at patungo naman sa dating lokasyon ng umalis na monster ship.

Alas 3:00 ng hapon ng Miyerkules (Jan. 8) ang CCG-3103 ay na-detect ng Dark Vessel Detection ng Canada sa layong 60 nautical miles mula sa Pandaquit, Zambales.

Ayon kay Tarriela, ibig sabihin, ang CCG-3103 ang magsisilbing kapalit ng umalis na monster ship.

Sa utos ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, nag-deploy na ng PCG Islander sa lugar.

Patungo na din ang BRP Cabra is currently sa kinaroroonan ng CCG-3103 para magsagawa ng monitoring sa presensya nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *