Premium rate ng Philhealth mananatili sa 5 percent ngayong taon
Walang pagtaaas sa premium contributions ng Philhealth para sa taong 2025.
Ayon sa inilabas na abiso ni Philhealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr., mananatili sa 5.0 percent ang premium rate ng Philhealth.
Ito ay katumbas ng P500 na monthly premium para sa mga mayroong monthly basic salary na P10,000.
P500 to P5,000 naman ang monthly premium kung ang monthly basic salary ay P10,000.01 hanggang P99,999.99.
At P5,000 ang monthly premium para sa monthly basic salary na P100,000.
Pinaalalahanan ng Philhealth ang mga employer na gamitin ang Monthly Basic Salary (MBS) ng kanilang empleyado sa pa-compute ng monthly contributions.
Ang batayan ng MBS ay ang fixed basec rate ng empleyado at hindi dapat isama sa compute ang kanilang sales commission. overtime pay, allowances, 13th month pay, bonus at iba iba pang gratuity payments. (DDC)