P6.1M na halaga ng unclaimed parcel na naglalaman ng marijuana isinuko sa Las Piñas City
Aabot sa kabuuang P6,120,000 na halaga ng hindi pa nakukuhang parcel na naglalaman ng dried marijuana leaves ang isinurender sa otoridad matapos madiskubre ng forwarding company sa Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City.
Ayon kay Southern Police District (SPD) District Director Brigdier General Manuel Abrugena, ang operasyon ay resulta ng timbre ng isang empleydo ng forwarding company kung saan maagap na umaksyon ang District Drug Enforcement Unit s koordinsyon ng mga law enforcement units kabilang ang Regional Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas City Police Station, Pamplona Sub-Station 2, SPD Forensic Unit at MPD Drug Enforcement Unit.
Sa imbestigasyon sa lugar, natuklasan ng otoridad ng limang malalaking balikbayan boxes na naglalaman ng 51 kilos ng marijuana na nakasilid sa iba pang packages na tumitimbang din ng 51 kilos.
Ang imbentaryo ay sinaksihan ng kinatawan ng Barangay Pamplona Tres at Department of Justice – Office of the City Prosecutor (DOJ-OCP) Las Piñas City.
Inihayag ni BGen Abrugena na nagsasagawa na ng imbestigasyon sa mga unclaimed parcels upang matukoy kung saan galing ang mga ito at kanino ito ipadadala.
Binigyang-diin ng SPD chief ang importansiya ng pagkakadiskubre ng mga parcels bago pa ito umabot sa merkado at mapigilan na maibenta at maiwasan din ang potensiyal na masamang epekto ng ilegal na droga sa mga gumagamit nito. (Bhelle Gamboa)