MMDA nag-inspeksyon sa Quirino Grandstand bago ang Traslacion

MMDA nag-inspeksyon sa Quirino Grandstand bago ang Traslacion

Ininspeksyon ng mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamumuno ni Chairman Atty. Don Artes, ang Quirino Grandstand sa Manila na pinagdarausan ng tradisyunal na Pahalik bago ang Traslacion.

Kabilang sa ininspeksyon ni Artes ang Mobile Command Center at First Aid Station ng MMDA na bahagi sa iba pang paghahandang nilagay ng ahensiya.

Inaasahan ng ahensiya ang pagdagsa ng mga deboto na lalahok sa mga aktibidad ng Pista ng Itim na Nazareno simula kagabi hanggang sa umaga ng Enero 9 bago ang traslacion o prusisyon.

Naglagay na rin ang MMDA ng mga plastic barriers bilang barikada upang tiyakin ang kaayusan sa pila at mga tents na magsisilbing pananggalang sa init ng araw ng mga deboto.Nakastandby na rin ang emergency response ng ahensiya para sa mga mangangailangan ng agarang atensiyong medikal.

Nagkabit dn ng CCTVs sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon upang imonitor ang sitwasyon sa trapiko at siguruhin ang peace and order, sa kooperasyon ng mga pulis.

“We have deployed 1200 personnel for the procession alone, including those who are tasked to maintain the cleanliness of the road right after the procession passes through a certain route,” sabi ni Artes.

Samantala tiniyak namna ng MMDA Chairman ang maigting na clearing and cleaning operations para alisin hindi lamang ang mga ilegal na nakaparadang sasakyan kundi ang mga basura at iba pang sagabal sa kalsada kasabay ng paghikayat nito sa publiko na itapon ng responsable ang kanilang mga basura lalo na sa panahon ng Traslacion.

“We appeal to our kababayans not to throw trash which can cause injury or harm fellow devotees who will join the procession on Thursday especially since majority of them join the Traslacion barefooted,” ani Artes.

Aniya suspendido ang number coding scheme sa Manila City sa pagdeklara ng kapisyatahan bilang special non-working holiday.

Inaabisuhan ng MMDA ang mga apektadong motorista para sa ipatutupad n rerouting scheme:

Para sa Light vehicles

Ang mga sasakyang manggagaling sa South (timog) (Roxas Boulevard at Taft Avenue), dumaan sa United Nations Avenue, diretso sa Nagtahan Otis, kaliwa sa Mabini Bridge patungong Magsaysay Boulevard at Lacson Avenue hanggang sa destinasyon at vice versa.

Habang ang nga motoristang magmumula sa hilaga o North ( Malabon-Navotas at Port area), dumaan sa Anda Circle bago bagtasin ang Soriano Avenue (Intramuros), Magallanes Drive papuntang Chinatown

Para sa Trucks

Sa mga motoristang patungong North Harbor galing ng SLEX diretso lamang sa Osmeña Hi-way bago kumanan sa Quirino Avenue, diretso sa Nagtahan St., papuntang Lacson Avenue, kumaliwa sa Yuseco St., at diretso sa Capulong St. kumanan o kumaliwa sa R-10 road hanggang sa destinasyon.

Samantalang ang mga trucks galing sa Parañaque Area kanan sa Quirino Avenue hanggang Nagtahan bago sa Lacson Ave. hanggang sa destinasyon. Ang parehong ruta ay gagamitin ng mga trak patungong south o timog.

Sinabi pa ni Artes na nirerebyu na rin ng MMDA ang panukalang venues at mga aktibidad sa patuloy na serye ng pagpupulong para sa peace rally na inorganisa ng Iglesia ni Cristo na nakatakda sa Enero 13, aaraw ng Lunes. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *