Mahigit 134,000 na motorista nahuli sa paglabag sa Seatbelt Law noong 2024 – LTO

Mahigit 134,000 na motorista nahuli sa paglabag sa Seatbelt Law noong 2024 – LTO

Umabot sa mahigit 134,000 na motorista ang nahuli ng Land Transportation Office (LTO) noong nakaraang taon dahil sa hindi paggamit ng seatbelt.

Sa datos ng LTO, 134,000 na motorista sa iba’t ibang panig ng bansa ang hinuli dahil sa paglabag sa Republic Act 8750 o Seat Belts Use Act of 1999.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, dahil sa agresibong pagpapairal ng nasabing batas umabot sa P179.9 million na multa ang nakulekta ng LTO mula sa mga lumabag.

Batay sa datos, pinakamaraming nahuli na lumabag sa Seatbelt Law ay sa CALABARZON na umabot sa 32,485.

Kasunod ang Region 3 a mayroong 10,774 violators at ang Region VI na mayroong 10,270 violators.

Sa kabuuang 134,147 na nahuli sa paglabag sa Seatbelt Law mula January 1, 2024 hanggang December 31, 2024, 124,712 ang nakabayad na ng kanilang penalties. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *