DOH pinag-iingat ang publiko sa influenza-like illness ngayong malamig ang panahon

DOH pinag-iingat ang publiko sa influenza-like illness ngayong malamig ang panahon

Patuloy na hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpatupad ng respiratory etiquette upang maiwasan ang pagkakaroon ng influenza-like illness (ILI).

Sa datos ng DOH, nakapagtala ng 179,227 na kabuuang kaso ng ILI hanggang noong Disyembre 31, 2024.

Mas mababa ito ng 17 percent kumpara sa 216,786 na naitala noong 2023.

Kabilang sa ILI ang pagkakaroon ng ubo, sipon at lagnat.

Paalala ng DOH, ngayong malamig ang panahon dahil sa Amihan, ugaliin ang pagtakip sa bibig kapag uubo, manatili sa bahay kung may sintomas ng ubo, sipon o lagnat, at palagiang maghugas ng kamay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *