Walang outbreak patterns ng respiratory infections sa China ayon sa WHO

Walang outbreak patterns ng respiratory infections sa China ayon sa WHO

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na walang outbreak patterns ng respiratory infections sa China.

Ayon sa WHO, ang naitatalang mga kaso ng acute respiratory infection sa nasabing bansa ay dulot ng winter season.

Sinabi ng WHO na kadalasang tumataas ang trend ng acute respiratory infections kapag ganitong panahon hindi lamang sa China kundi maging sa iba pang mga bansa sa Northern Hemisphere.

Ang pagtaas ay dulot ng season epidemics ng respiratory pathogens gaya ng seasonal influenza, respiratory syncytial virus at iba pang common respiratory viruses.

Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng mga sakit, sinabi ng WHO na hindi ito unsual, at sa halip ay inaasahan ito sa Northern Hemisphere.

Base din sa ulat ng mga otoridad sa China, nananatiling normal ang sitwasyon sa kanilang health care system at walang emergency declarations. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *