DMW nagbabala sa pekeng ‘airport escort’ na nanloloko ng mga gustong magtrabaho sa ibang bansa

DMW nagbabala sa pekeng ‘airport escort’ na nanloloko ng mga gustong magtrabaho sa ibang bansa

Nagbababala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko laban sa pekeng “airport escort” na naglalayong mangloko sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Paalala ng DMW lalo na sa mga OFW, maging maingat sa mga nag-aalok ng ganitong serbisyo na nangangako ng tulong sa mabilisang immigration process kapalit ng malaking halaga.
Pinapayuhan ang lahat na i-verify ang tamang proseso sa DMW upang maiwasan ang ma-biktima ng mga scammer.

Paalala ng DMW na maging matalino at huwag magpaloko sa mabilisang pagproseso ng dokumento para makaalis ng bansa at magtrabaho abroad upang hindi mabiktima ng illegal recruitment, human trafficking, at online scams.

Nananawagan din ang DMW na agad i-report ang mga ganitong insidente sa email na airtipinfo@dmw.gov.ph o sa Facebook page na www.facebook.com/dmwairtip.

Una nang iniulat ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaharang sa isang biktima paalis ng bansa na hinigan ng P120,000 na kabayaran sa ‘Airport Escort’ para makalabas siya ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *