Liquor ban nagsimula nang umiral sa ilang lugar sa Maynila simula ngayong araw

Liquor ban nagsimula nang umiral sa ilang lugar sa Maynila simula ngayong araw

Nagpatupad ng liquor ban ang Manila Police District (MPD) sa bahagi ng Quirino Grandstand at Quiapo Church sa Maynila.

Ito ay bahagi ng pagtitiyak ng seguridad sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Iiral ang liquor ban mula ngayong araw Jan 8 hanggang sa Jan 10.

Ipatutupad ang liquor ban sa loob ng 500 meter radius sa Quirino Grandstand at sa Quiapo Shrine.

Samantala ipinatutupad na din ang NO FLY ZONE at NO DRONE ZONE sa bisinidad ng Quirino Grandstand at Quiapo Church simula ngayong araw hanggang Jan 10.

Ipatutupad na din simula mamayang gabi ang pagsasara sa ilang lansangan sa Maynila.

Simula alas 9:00 ng gabi mamaya ay isasara na ang mga kalsada na daraanan ng prusisyon ng Black Nazarene mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *