P2.652 na halaga ng ilegal na droga, nakumpiska sa Port of Clark

P2.652 na halaga ng ilegal na droga, nakumpiska sa Port of Clark

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang apat na pouches na naglalaman ng ilegal na droga.

Ang kargamento ay galing ng United States at idineklarang naglalaman ng “Coffee Bags, Candy o Snacks.”

Pero nang isailalim sa X-ray inspection at physical examination, nakitang may laman itong shabu na nagkakahalaga ng P2.652 million.
Nakumpirmang ilegal na droga nga ang mga natagpuan sa kargamento base sa isinagawang laboratory analysis ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Agad namang naglabas ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC para sa mga kargamento. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *