P72.8M na halaga ng shabu nasabat sa NAIA T3

P72.8M na halaga ng shabu nasabat sa NAIA T3

Nakumpiska sa operasyon ng NAIA IADITG ang tinatayang 10.706 kilos ng pinaniniwaalaang shabu na nagkakahalaga ng P72,800,800 na nakasilid sa isang abandonadong bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Base sa report ng na isinumite ng PDEA RO NCR, isingawa ang operasyon sa Custom Exclusion Room, International Arrival Area ng airport na nagresulta ng pagkakasabat sa ilegal na droga sa abandonadong bagatelle mula sa Johannesburg, South Africa na may konektadong flight bound sa Manila, Philippines.

Iniimbestigahan na ng otoridad ang nagpadala ng bagahe at ang mga tatanggap nito upang masampahan ng kaulang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Itinurn over ang ebidensiya sa PDEA Laboratory Service.

Samantala binalaan ni Director Emerson R Rosales, Regional Director ng PDEA RO NCR ang publiko sa pag-aangkat ng mga ilegal na droga sa bansa na mahigpit na ipinagbabawal ito at mapapatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo at mayroong mustang P500,000 hanggang P10-milyon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *