“Monster Ship” ng China nanaanatili namataan sa loob ng Exclusive Economic Zone

“Monster Ship” ng China nanaanatili namataan sa loob ng Exclusive Economic Zone

Tatlong magkakasunod na araw nang nananatili sa loob ng Exclusive Economic Zone ang “Monster Ship” ng China na CCG-5901.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela, Jan. 6 ng gabi ay namataan pa ng BRP Cabra ang naturang barko ng China.

Ayon kay Tarriela, ilegal ang pananantili ng naturang barko ng China sa EEZ ng Pilipinas.

Patuloy namang binuntutan at nagsagawa ng shadowing ang BRP Cabra sa barko ng China para igiit ang soverreign rights ng bansa sa teritoryo.

Tinitiyak din ng PCG ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pinoy sa lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *