Kuleksyon ng LTO noong 2024 umabot sa mahigit P32B
Umabot sa mahigit P32 billion ang nakulekta ng Land Transportation Office (LTO) noong 2024 kasunod ng pagpapatupad ng mga reporma.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II kabuuang P32,271,213,444 ang nakulekta ng ahensya mula Enero hanggang Disyembre 2024.
Ito ay 8.8% na mas mataas kumpara sa revenue collection noong 2023 na umabot sa mahigit P29 billion.
“Despite some serious challenges, we are still able to increase the revenue collection. And I commend all of our personnel for their dedication to their job,” said ayon kay Mendoza.
Noong nakaraang taon, nagpatupad ng reporma sa mga polisiya ng LTO na nagbigay-daan para tumaas ang revenue collection nito.
Sa pamamagitan ng “LTO on Wheels” nailapit sa publiko ang serbisyo ng ahensya.
Target ng LTO na palawigin pa ang LTO on Wheels program ngayong taon. (DDC)