2.9 inflation rate noong Disyembre pasok sa forecast ng BSP
Pasok sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang naitalang inflation noong Disyembre 2024.
Ayon sa BSP, ang 2.9 percent inflation rate noong Disyembre ay pasok sa forecast range na 2.3 to 3.1 percent.
Ang average full year inflation para sa taong 2024 na 2.3 percent ay pasok din sa target na 2 to 3 percent ng BSP.
Ayon sa BSP, inaasahan pa rin ang mas mabilis na inflaton sa susunod na mga buwan.
Ito ay dahil sa potensyal na pagbabago sa singil sa pamasahe at kuryente.
Maaari namang makatulong sa pagbaba ng inflation ang mas mababang taripa sa pag-angkat ng bigas. (DDC)