52 pang kaso ng South Africa coronavirus variant, na-detect sa bansa
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 52 pang kaso ng South Africa coronavirus variant sa bansa.
Sa press briefing sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na ang mga bagong kaso ay na-detect matapos isailalim sa genome sequencing ang ika-siyam na batch ng mga sample.
Maliban sa 52 B.1.351 variant, ay nakapagtala din ng 31 dagdag na UK variant o B.1.1.7 variant.
Dahil sa mga dagdag na kaso, umabot na sa 58 ang South Africa variant cases sa bansa habang 118 naman ang UK variant cases.
Sa 52 bagong naitalang South Africa variant cases, 41 ay mula sa Metro Manila.