2.9 percent inflation rate naitala noong Disyembre
Bumilis sa 2.59 percent ang headline inflation o ang pagtaas presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa noong buwan ng Disyembre.
Ito na ang ikatlong sunod na buwan na may pagtaas sa inflation makaraang maitala ang 2.3 percent noong Oktubre at 2.5 percent noong Nobyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Disyembre 2024 kaysa noong Nobyembre 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels.
Kabilang dito ang pagtaas ng presyo ng kuryente at LPG. (DDC)