Mahigit 4,000 pamilya nananatili sa evacuation centers dahil sa pagputok ng Mt. Kanlaon
Umabot na sa mahigit 46,700 na katao o katumbas ng mahigit 12,200 na pamilya ang naapektuha ng patuloy na pagputok ng Mt. Kanlaon.
Ang mga apektadong residente ay mula sa 26 na mga barangay.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroong mahigit 13,100 na katao o mahigit 4,000 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation center.
Nakapaglaan na ang DSWD ng kabuuang P70.7 million na halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong residente.
Mayroon pang mahigit P2.3 billion na halaga ng relief resources ang DSWD na pinagsamang halaga ng standby funds at food and non-food items. (DDC)