1 percent contribution rate hike ng SSS epektibo na ngayon buwan

1 percent contribution rate hike ng SSS epektibo na ngayon buwan

Simuma ngayong buwan ay tataas sa 15 percent mula sa dating 14 percent ang contribution rate ng Social Security System (SSS).

Ayon sa SSS ang pagtataas sa contribution rate ay batay sa Republic Act (RA) No. 11199 o Social Security Act of 2018.

Kasabay naman nito ang pagtaas din ng minimum Monthly Salary Credit (MSC) patungo sa P5,000 mula sa datingnP4,000 at ang maximum MSC patungo sa P35,000 mula sa dating P30,000.

Ito na ang huling tranche ng pagtataas ng contribution rate at MSC na sinimulan noong 2019.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph M. De Claro, sa huling tranche ng pagtataas ng contribution rate, inaasahang tatagal hanggang sa 2053 ang pondo ng SSS.

Nangangahulugan ito ng dobleng fund life ng SSS.

Sa pamamagitan nito, mas magagampanan ng SSS ang social security obligations nito sa kanilang mga miyembro.

Ang mas mataas na contribution rate ay magreresulta ng dagdag na koleksyon na P51.5-Billion ngayong 2025.

Sa nasabing halaga, 35% o P18.3-Billion ay mapupunta sa Mandatory Provident Fund (MPF) accounts ng SSS members. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *