DTI, FDA pinag-iingat ang publiko sa pekeng Hepa B vaccine
Naglabas ng abiso sa publiko ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa pekeng Hepatitis B vaccine.
Ayon sa DTI, base sa abiso na inilabas ng Food and Drug Administration (FDA), hindi tiyak ung ligtas at walang katiyakan sa kalidad ng pekeng Hepa B vaccine na Genvac-B.
Nakasaad sa paalala ng FDA na ang genuine Genvac-B 20 mcg/mL ay rehistrado sa FDA at mayroong registration number BR-574.
Ang tunay na Genvac-B ay gawa ng Serum Institute of India Pvt. Ltd.
HInikayat ng DTI at FDA ang publiko na agad ireport sa mga otoridad ang hindi rehistradong distribusyon o paggamit ng pekeng bakuna. (DDC)