Bahagi ng baybaying dagat sa Zamboanga, Samar at Eastern Samar, positibo sa Red Tide toxins
Positibo sa nakalalasong Red Tide ang baybayin ng Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Daram Island at Irong-Irong Bay isan Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay at coastal waters ng Biliran Islands.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) lagpas sa regulatory limit ang Paralytic Shellfish Poison (PSP) na nakita sa mga shelfish na kinulekta sa nasabing mga lugar.
Lahat ng shellfish kabilang ang alamang na makukuha sa nasabing mga baybaying dagat ay hindi ligats kainin.
Nananatili namang ligtas para sa human consumption ang mga isda, pusit, hipon, at alimango.
Samantala, negatibo naman na sa red tide toxins ang coastal waters ng Zumarraga Island. (DDC)