DOH nakapagtala na ng 843 na kaso ng Fireworks Related Injuries
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 843 na nasugatan dahil sa paputok.
Ang datos ay mula noong umaga ng Dec. 22 hanggang umaga ng Jan. 6, 2025.
Ayon sa DOH, nananatili sa 4 ang bilang ng mga nasawi.
Ang 843 na kaso ng Firecracker-Related Injuries ay
ay mas mataas ng 38 percent kumpara sa 610 total cases na naitala noong 2024.
499 sa mga biktima ng paputok ay edad 19 na taon pababa.
Ayon sa DOH, pangunahing dahilan ng pagkasugat ay ang paggamit ng kwitis, kasunod ang 5-star at boga. (DDC)