DOH nakapagtala ng 703 na Road Traffic Incidents; 8 ang nasawi
Simula Dec. 22 hanggang umaga ng Jan. 6, 2025 ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 703 na aksidente sa kalsada.
Ang nasabing bilang ay mula sa 8 Pilot Sites na mino-monitor ng DOH.
Ang 703 Road Traffic Incidents ay mas mataas ng 30.6 percent kumpara sa parehong petsa ng taong 2024.
Ayon sa DOH, sa nasabing bilang, 8 ang nasawi at 5 sa kanila ay nasawi dahil sa aksidente sa motorsiklo.
127 sa mga nasangkot sa aksidente ay pawang nakainom ng alak.
Nakapagtala din ng 603 na hindi gumamit ng safety accessories.
Paalala ng DOH sa mga motorista, ugaliing magsuot ng helmet kapag nagmomotorsiklo. (DDC)