Unang price hike ngayong taon, ipatutupad ng mga kumpanya ng langis

Unang price hike ngayong taon, ipatutupad ng mga kumpanya ng langis

Magpapatupad ng malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Ito ang magiging unang oil price hike ngayong taon.

Ayon sa abiso ng mga kumpanya, tataas ng P1.00 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Tataas din ng P1.40 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang may pagtaas din na P1.00 sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Epektibo ang dagdag presyo sa Martes ng umaga, Jan. 6. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *